Ang paggamit sa usapin ng migrasyon bilang batayan ng kaunlaran ay nagsusulong lamang ng patuloy na murang paggawa at papaigting na pagsasamantala sa mga manggagawa at migrante. Ginagamit ito ng mga imperyalistang bansa upang makalikom ng ganansya at tubo upang maisalba ang kanilang naghihikahos na ekonomiya.
Bakit nga ba umaalis ng bansa ang mga Pilipino at doon naghahanap ng trabaho? Ito ay dahil sa kawalan ng espasyo sa kanilang bayan. Ang espasyo na dapat na ibinibigay ng kanilang bayan ay ipinagkait sa kanila sa tulong ng mga naghaharing-uri at mga nakaupo sa posisyon sa pamahalaan. Isang manipestasyon nito ang kawalan ng hanapbuhay at kakulangan ng social services na dapat mismo ang pamahalaan ang nagbibigay. Dahil rito, napipilitan ang marami na mangibang bansa at doon hanapin ang kanilang swerte. Ngunit sa kanilang pagpunta roon ay nagiging bulnerable sila sa iba’t ibang porma ng karahasan, lalo na ang mga kababaihang migrante na kadalasa’y nagiging biktima ng reyp at sekswal na pang-aabuso.
Ang mga kadalasang trabaho na pinapasukan ng mga migrante ay trabahador sa pabrika at sa serbisyo tulad ng sa hotel, restoran, bahay at bahay-aliwan. At hindi natin maiaalis na ang trabaho ng mga kababaihang migrate ay hindi nalalayo sa kanilang istiryotipikal na gawaing pambabae tulad ng pag-aalaga ng bata at matanda, paggampan ng mga gawaing bahay at pagbibigay ng aliw sa kalalakihan. Dito natin makikita na hindi nakakawala ang mga kababaihan sa lipunang nosyon ng kanilang gawain bagkus ay isinusulong pa ang pag-igting na nagdudulot ng lalong pagkakulong ng kababaihan sa hawla ng pyudal at burgis na kultura at sistemang umiinog rito.
Naalala ko ang kaso ni Hazel, isang migrante sa bansang Hapon na namasukang isang dancer sa club. Napilitan siyang mangibang bansa upang kumita ng sapat na pera na pantustos sa naghihikahos na buhay ng kanyang pamilya. Ang kanyang pamilya ay kabilang sa uring pesante na umaasa lamang sa kakarampot na kita sa kanilang tanim na gulay sa bakuran. Ang pagnanais na maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya, nangibang bansa siya at doon hinanap ang kapalaran. At doon sa bansang Hapon, pagkatapos lamang ng ilang araw na panunuluyan roon, siya ay nareyp ng isnag sundalong Amerikano.
Ang kaso ni Hazel ay isa lamang sa maraming kaso ng sekswal na pang-aabuso at reyp sa mga kababaihang migrante. Dito natin makikita na matindi ang paglabag sa karapatang pantao at paglapastangan sa kababaihan sa ibayong dagat. Idagdag pa natin rito ang usapin ng pag-aaglahi o ang racism na tinatawag kung saan nakakaranas ng diskriminasyon at pananakit ang mga migrante mula sa taal na mamamayan kung saang bansa sila namamasukan.
Ang kalagayan ng mga migrante, lalo na ng mga kababaihan, sa ibang bansa ay masaklap. Sila ay dapat maglaan ng emotional labor upang maging kapakipakinabang ang kanilang paggawa. Kailangan nilang maging masigla at magmukhang masaya sa kabila ng pangungulila sa pamilya. Ito ay nararanasan ng mga migrante lalo na ng mga nasa lugar ng pagbibigay ng serbisyo (kung saan karamihan rito ay mga kababaihan) tulad ng nars, caregiver, at domestic helper.
Dagdag pa rito, ang mga migrante ay nakakaranas ng mga patakaran sa paggwa at migrasyon tulad ng pagbawas sa sahod, pagpataw ng buwis, pagbawas sa benepisyo, at malawakang pag-aresto at deportasyon sa mga walang dokumento (ILPS, nd). Isa lamang itong katunayan na ang pagsusulong ng migrasyon bilang batayan ng pag-unlad ng isang bansa ay ang pagsusulong ng interes ng mga bansang nangangailangan nito at gayundin ng mga lokal naghaharing-uri. Masasabi na ang pagdami ng mga mamamayang migrante ay isang hudyat ng papalalang kalagayan ng ekonomiya, hindi ng pag-unlad na sinasabi sa GFMD dahil nakadepende at nakasandig ang ekonomiya sa remittances na nakukuha sa migrasyon. Ito ang dahilan kung bakit tinawag ni Gng. Arroyo, ang pangulo ng Republika ng Pilipinas, na “bayani ng bansa” ang mga OFWs. Ngunit kung ating susuriing mabuti, ang kalagayan ng mga OFWs ay masalimuot dahil sa mga patakaran ng migrasyon at paggawa at walang senyales ng pag-unlad bagkus makikita ang paghihirap sa mga bansang pinagtatrabahuhan.
References:
International League of People’s Struggle. _____. Global Forum on Migration and
Development. nd.
Global Forum on Migration and Development. 2007. The Philippines Prepares the Way
for the GFMD in Manila, October 2008 (Report on the First FOF Meeting). Belgium. Retrieved on October 8, 2008. .
*ang artikulong ito ay isang requirement na pinasa ko sa Sociology 197
]]>Minsan masarap rin palang huminto upang makita ang mga pagbabagong naganap sa mundong ibabaw. Maganda rin na tumigil muna sa pag-inog ang mundo upang makasunod ang mga tao. Ngunit hindi ito dapat habang buhay. Dahil marami pang kailangang harapin bukod sa paghinto at pagtitig na lamang sa mga bagay na patuloy nang nangyayari. Kailangan rin na umalis na sa kinatatayuan at humandang ihakbang ang paa upang umabante at umalis sa pagkakatayo upang hindi tuluyang malugmok at maiwanan ng kahapon.
]]>or siguro ako lang.
ngunit bukod rito ako ay nahaharap sa matinding hamon
ang hamon na malampasan ang lahat ng ito!
waaah.
akala mo kung anu na ano?
LOL.
*thanks to jorem for labeling me “diyosa ng cramming”. adik
]]>The ‘construction of masculinity is a key component of the overall construction of gender order’. The system of patriarchy creates the concept of masculinity and characterizes it. Others that do not fall in the characteristics of masculinity falls down to another which is femininity or lack of the masculinity. Because of gender differences there is the creation of stereotyped roles. These can not be legitimized only by a certain kind of system but it is supported by those who are in power. As the intersection of gender with other aspects of gender identity, it is not only the patriarchal system that reinforces masculinity but a larger structure such as the world order. The study of masculinity contribute to the understanding of gender inequality for the concept of masculinity is being formed in patriarchy where gender inequality exists. In order to find solutions to the problems, one must first go deeply into the roots of the problem. Gender inequality is rooted in the construction of masculinity in a patriarchal society. The main ingredient of patriarchy is the concept of masculinity. And to solve one aspect of gender inequality, one must abolish the concept of masculinity and eventually patriarchy.
]]>nung isang araw naglalakad ako
transport strike noon.
ang layo ng nilakad ko
mula up hanggang sa boarding house ko sa knl.
pero naisip ko
ansaya
maraming driver ang tumugon sa panawagang transport strike.
o diba, sosyal.
ngunit malungkot ako
dahil sa natatanging araw na iyon,
wala ako.
A girl and a bloke
A girl was walking and walking and walking and walking until one day she met a bloke.
LESSON: There are unexpected changes in life.
The bloke and his crown
‘A crown that had been protected for decades was cut by a man in the barber’s shop.’ The bloke felt that his girl doesn’t want his crown(that crown also symbolizes his pride). He had nothing to do but have his crown cut.
LESSON 1: Love involves sensitivity to one’s feelings and needs.
LESSON 2: Pride isn’t everything.
A bloke, his girl, and the road
A very long road separates the bloke and his girl. Despite this and some other circumstances, they have managed to keep something between the two of them.
LESSON: Distance is not a hindrance to have an interpersonal verbal communication.
* For comments and suggestions, e-mail me at kadmeia_edge64@yahoo.com or just simply send me a message in my friendster account.
"Contribute to the welfare of your community and promote social justice. You do not live for yourselves and your families alone. You are part of society to which you owe definite responsibilities."
Section 14 Moral Code
A testimonial of a girl to her bloke…
Many have said that this young man is a total weirdo. But based on my observations, he is not that weird. moreover, he is not a swot. He really does know how to enjoy life. In order to know him, one must have a wide range of understanding. He is not that very common person in every corner of the earth. For me, he is one in a million. This guy is bounded with special talents and with knowledge. Ideas are over pouring in his mind. He has a dream of his own and he will not let anybody ruin it.
Ours is a finite earth. Life’s too short for very serious modes. So you better take a time of your life to look and to know better about him (you will either laugh or raise an eyebrow when this person started talking). Who knows, he might be one of the most powerful man on earth.
So much for the praises! My God! Ok. I think I have overdone this testimonial.
Anyway, matmat, you owe me something. Haha! Joke! Remember that jokes are half-meant.
A piece of advice to Matt
Think things first before you say them. Do not say things you can’t do. I am fully aware that promises, as well as words, are made to be broken.
Enough said.
]]>miss ko na kayo.
ewan ko kung miss nyo ko.
walanjo naman.
magtext naman kayo.
o mag-email man lang.
hindi nyo ko binati nung birtday ko!
nakakatampo na.
di man lang kayo nagpaparamdam.
nalimutan nyo na ba ako?